Isa pang netizen nagreklamo rin sa social media dahil sa nabiling payat na lechon pang-Noche Buena
Bukod sa isang netizen na nagbulalas ng kanyang sama ng loob sa nabiling lechon na puro dahon ang laman sa loob nito noong Disyembre 25, 2017, isa pang netizen ang nagpahayag ng reklamo at pagkadismaya dahil sa tila “nag-diet” na nabiling lechon na isa sana sa inaabangang putahe ng kanilang pamilya noong Noche Buena.
Makikita sa Facebook account ng netizen na si Noy Cayanan Roque Rcrim ang kanyang hinaing at mga larawan ng biniling lechon na napakapayat. Hiniling niya sa mga makababasang kapwa netizen na i-share ito sa kanilang wall. Batay sa salaysay ng netizen, nabili nila ito sa isang kilalang bilihan ng lechon noong Disyembre 24, 2017. Nagulat at nadismaya sila nang tumambad ang isang napakapayat na lechong halos buto’t balat na lamang.
“paki share naman.
Last Dec 24 nag order kmi ng lechon sa Milas via Online. maganda naman po usapan. 7500 price 400 delivery charge Good for 60-70 pax… and then nadeliver po si Lechon.
pag dating po binayaran nmin walang resibo binigay umalis si Rider… nung binuksan po nmin nakakadismaya Butot balat. kita na ribs ng baboy. tapos sobrang dry and makunat. after po sa galit ng mga tita q tinimbang nmin halos d pa umabot sa 5kilos kasama pa kawayan patungan…
nag reklamo kmi sa milas nakausap nmin mismo ung apo ng owner sabi sa usapan (nakarecord) babalik nila ung pera nmin 5500. bukas daw dec 25 at kainin nmin ung lechon. sa madaling salita naghintay po kmi mag umaga. tapos nag tx kmi sa apo ng milas papadala daw nila ng hapon 4pm, pero after 4pm wlang pera at reply. gabi na nag tx. wala daw ung rider hindi pumasok pero nung tinawagan ko po ung rider nung dec 28 sabi nya Dec 25 palang ng umaga binigay nya na ung bayad nmin. napaka sinungaling ni Aika Salanguit. tapos inabot papo ng dec 29 ung pakikipag usap namin sa refund. nag padala nga 3500 lng kaya d po nmin kinuha. now we will ask for for help na paki share po tong post ko ng makita ng ibang tao at maging aware sila sa pag order ng lechon lalong lalo na sa milas lechon… we will file a case against them sooner or later if they not cooperate with us. thank u sa mag se share..