SEX AT 60 YEARS OLD????

Kadalasang nababawasan ang romansa sa mag-asawa habang nagkakaedad, pero payo ng isang doktor, mahalagang mapanatili ang intimacy sa mag-asawa ano man ang edad nila.
Ayon kay Dr. Juliano Panganiban, isang urologist, hindi masama para sa matatanda ang pagpapakita ng intimacy at romansa sa kanilang mga asawa.

"Yung mga partners, mag-asawa, pwede pa rin silang magkaroon ng sex, pero they must remember a number of things. Una, both of them are older. So may mga aging issues 'yan. 'Yung lalaki, may erectile dysfunction, 'yung babae, 'yung dryness and 'yung pain sa sexual act so dapat, babantayan nila 'yan," aniya.

Dagdag pa niya, may ibang paraan upang ipakita ang intimacy at romansa sa pagitan ng mag-asawa.

"Secondly, habang tumatanda sila, intimacy issue na 'yan eh. They can have non-insertive sex, but still have the passion, the caressing, the stroking, and everything that can convey their sexuality. So 'yan ang sex nila as they grow older. Not necessarily the sexual act but they can have it, but they can have it. Siyempre 'pag tumatanda na sila, less frequent na 'yan. But it is an act of intimacy," ani Panganiban.

Ayon kay Panganiban, mahalaga lamang na siguruhin ng mag-asawa na pareho silang malusog at gusto nila ang kanilang ginagawa.
"Kung 'yung isa ayaw, dapat maintindihan nung isa na hindi pwede o hindi kaya. Itong mga issues na ito dapat maintindihan ng bawat isa," aniya.

Normal din umano na mabawasan ang romansa sa mag-asawa habang tumatanda sila.

"Definitely, nawawala 'yan. Nawawala 'yung drive namin, both male and female. So dapat dalawa sila, two of them should try hard to keep their sexuality open," ani Panganiban.

Ang mahalaga umano, ayon kay Panganiban, ay masaya sila sa kanilang ginagawa.

"The important thing is, dapat pleasurable sa kanila. 'Yung magde-date lang sila, lalabas lang sila na dalawa lang sila. And not only that, but both of them should keep healthy," aniya.

Payo ni Panganiban, mahalagang pangalagaan ang sarili lalo na kapag nagkaka-edad.
Maari ring kumonsulta sa mga doktor upang masolusyonan ang mga problemang maaring maging hadlang sa intimacy at romansa sa pagitan ng mag-asawa.